WebClick Tracer

SPORTS

Michaelo Buddin, NU Bulldogs amoy ang titulo ng V-League

Nagsanib puwersa sina Michaelo Buddin at Angelo Nicolas Almendras upang akbayan ang National University Bulldogs sa pagsalya kontra University of Perpetual Help System Altas, 25-22, 25-22, 25-16, sa semifinals ng 14th V-League 2022 Men’s Collegiate Challenge Miyerkoles ng gabi sa Paco Arena, Maynila.

Tumikada si Buddin ng 20 points habang 13 ang iniskor ni Almendras upang isampa ang Bulldogs sa finals katapat ang University of Santo Tomas Tiger Spikers sa Linggo (Nov. 27) ng alas-10:00 ng umaga sa parehas na venue.

“Sobrang thankful ako sa naging performance namin today,” saad ni Bustillos-based coach Dante Alinsunurin. “Although siyempre nag-struggle pa rin talaga kami sa unforced errors pero credit sa Perpetual talagang lumaban sila.”

Sinagpang din ng UST sa isa pang Final Four match ang Ateneo de Manila University Blue Eagles, 25-27, 25-17, 25-20, 25-16, sa likod ng 19 attack points ni Josh Ybañez sa paliga ng Sports Vision Management Group, Inc. na mga hatid ng Asics, Beyond Active Wear at Mikasa. (Elech Dawa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID