WebClick Tracer

NEWS

Pagcor higit P10B target na kita sa POGO

Nilabas ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang kanilang roadmap para matugunan ang mga problema na idinudulot ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) industry at matiyak ang P10.2 bilyong kita sa 2027.

Sa pagdinig ng Senate committee on ways and means at public order and dangerous drugs, sinabi ng Pagcor na layunin ng roadmap na makamit ang nararapat na bilang ng licensee upang maiangat ang kinikita mula sa mga POGO sa susunod na limang taon kasabay ng pagsawata sa illegal online gambling operations at sa mga problemang panlipunan na dulot nito.

Alinsunod sa roadmap, sa short-term, palalakasin ang offshore gaming employment license at inter-agency cooperation ngayong 2022 hanggang 2023.

Sa medium term naman o sa pagitan ng 2022 at 2025, layon ng Pagcor na makabuo pa ng mga POGO hub at mga government regulatory office.

Inaasahan ng Pagcor na aabot sa P3.4 bilyon ang kita mula sa POGO industry sa susunod na taon; P4.8 bilyon sa 2024; P6.2 bilyon sa 2025; P7.7 bilyon sa 2026; at P10.2 bilyon sa 2027.

Tiniyak din ni Pagcor Offshore Gaming and Licensing Department senior manager Atty. Renfred Tan na palalakasin nila ang koordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang solusyunan ang mga problemang dulot ng industriya. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID