Bumilib si Mariel Rodriguez sa asawang si Robin Padilla dahil kahit pagod ito sa trabaho bilang Senador ay may oras pa rin talaga ito para sa kanila lalo na nga sa kanilang 2 anak.
Kwento ni Mariel last Tuesday sa mediacon ng M.O.M.S. na bagong talk show nila nina Ruffa Gutierrez at Ciara Sotto, isinugod daw ni Robin ang anak nilang si Isabella sa hospital last Monday.
Tatlong buwan na raw kasing pabalik-balik ang lagnat ni Isabella at nilagnat na naman noong Lunes kaya talagang naalarma na si Robin.
“Si Robin, nagpa-panic na. (Sabi niya), ‘yung anak ko yata, tinamaan ang baga, may ano, humina na ‘yung baga.’ Nag-panic siya, kahapon, we dropped everything nun’g umaga, siya mismo, dinala niya sa doktor ‘yung anak niya, hawak-hawak niya, pina-Xray niya.
“Of course, perfect po ‘yung heart and ‘yung chest as I expected. Pero ibinigay ko na ‘yun sa kanya. Para meron siyang peace of mind. Para makapagtrabaho siya.
“After nu’n, nagpunta siya sa Plenary, and wala siyang iniisip. Alam niya na okay ‘yung anak niya,” kuwento ni Mariel.
Kaya nga lalo raw niyang hinangaan ang asawa sa pagiging isang mabuting ama.
“I found it so nice na no matter how busy he is, kung alam niya na kaya niya, idya-juggle niya ‘yung oras niya para sa mga anak namin, but at the same time, hindi niya naman nakakalimutan ‘yung tungkulin niya. Pero I just found it na parang ang galing niya,” papuri ni Mariel kay Binoe.
Dagdag pa ng comebacking TV host, dahil sa ginawa ng mister ay lalo siyang naseksihan dito.
“Sabi ko nga sa kanya, for me, I found it so sexy. Oo, ‘yun talaga ang mga naganap, Mhie! Sabi ko talaga, ‘I think, very sexy ‘yung ginawa mong ‘yun, makes me love you more,’ ganyan-ganyan. ‘Yan ang mga ganap namin,” proud na tsika ni Mariel.