WebClick Tracer

METRO

2-anyos tinodas ng kalaro

Patay na nang matagpuan ang nawawalang dalawang taong batang lalaki na nakabalot sa kutson sa tahanan ng kanilang kapitbahay sa Concepcion, Tarlac, kahapon ng umaga.

Batay sa report, nitong Huwebes ng umaga, November 24, nang matagpuan ang bangkay ng batang si Axcel Castro na nakabalot sa kutson ng kanilang kapitbahay sa Barangay Green Village.

Unang iniulat na nawawala ang paslit at nanawagan pa ang kanyang mga magulang sa social media.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Concepcion Municipal Police Station, dakong alas-dos ng hapon nang tawagin diumano ang biktima ng 16-anyos na binatilyong kapitbahay nila.

Pinakitaan umano ng binatilyo ng bola ang paslit kung kaya’t nahikayat ito na pumasok sa tahanan ng kapitbahay.

Subalit makalipas ang ilang minuto ay gusto na umanong umuwi ng bata na ikinagalit ng binatilyong suspek.

Dito na umano dinaganan ng suspek ng unan ang mukha ng biktima hanggang sa malagutan ng hininga ang paslit. Pagkatapos ay ibinalot sa kutson ang biktima at itinago sa gilid ng kanilang tahanan.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang binatilyo at isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID