WebClick Tracer

METRO

4 bebot binudol sa `double kita’ ni sarhento

NAHAHARAP sa kasong “swindling” ang isang miyembro ng Philippine National Police ng Vigan City matapos ireklamo ng apat na babae sa bayan ng Bantay, Vigan City kamakalawa.

Ayon sa Vigan City Police Station (VCPS), ang suspek si P/Staff Sgt. Habatha Tahani Aytalin Al Shani, miyembro ng VCPS, ng Barangay San Julian Norte ng nasabing siyudad.

Batay sa report, ayon sa mga complainant na sina Marjorie Rapacon, 34; Richelle Padua; Rosalinda Rosele at Fe Pastor, pawang nakatira sa nasabing siyudad, sila ay biktima ni Shani ng itinayo nitong “Double Kita” foundation kung saan nasa P423,800 ang nakulimbat nito.

Nang malaman nilang isa pala itong scam ay agad nagsumbong sa otoridad ang mga biktima.

Sa ngayon ay nasa preventive suspension si Shani habang nakahain ang kaso laban sa kanya. (Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID