WebClick Tracer

METRO

Atayde tinulak flood czar sa NCR

Hinimok ni Quezon City District 1 Congressman Juan Carlos Arjo Atayde ang gobyerno na unahin ang mga flood control measures at magtalaga ng Flooding Czar na tututok sa pamamahala at pagkumpleto ng flood control projects.

Sa kanyang privilege speech noong Martes, idinaing ni Atayde na problema din ito sa Kamara at ilang beses na ding suspendido ang kanilang trabaho dahil sa malalang pagbaha.

“By designating a “Flooding Czar” in the Cabinet, someone will be primarily responsible for ensuring proper coordination between the Department of Public Works and Highways, the Metro Manila Development Authority, and NCR’s various local governments with regard to flood control projects,” payahag ng solon.

Ipinaliwanag ni Atayde na kailangang maging prayoridad ng gobyerno ang pag-fast track sa World Bank at sa Asian Infrastructure Investment Bank na pumopondo sa Metro Manila Flood Management Project, na tila naaantala base sa project indicators sa kabila ng approval nito noong 2017.

“In Barangay Mariblo, Barangay Sto. Domingo and Barangay Talayan, residents experienced waist-deep floods. Sa mga barangays sa Bungad, San Antonio, Katipunan at Damayan naman, hanggang tuhod ang baha. Dun sa West Riverside sa Barangay Del Monte, hindi na makalabas ang mga tao sa kani-kanilang bahay dahil sa tindi ng baha,” dagdag ng kongresista.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID