WebClick Tracer

METRO

Bungo, mga buto ng tao nahukay sa DOJ

Bumulaga sa mga trabahador ang mga buto ng tao habang naghuhukay sa isang construction site sa loob ng Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes ng umaga.

Kabilang sa natagpuan ang isang bungo at mga buto mula sa ginagawang gusali na may apat na palapag sa likuran ng main building ng DOJ.

Ayon kay DOJ Undersecretary Brigido Dulay, pinaimbestigahan nila sa National Bureau of Investigation ang mga natagpuang buto ng tao.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID