WebClick Tracer

METRO

Cocaine, iba pang ilegal na droga nasamsam ng BOC sa Taguig City

Isang bodega sa Taguig City ang sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) kamakalawa, na nagresulta sa pagkakumpiska ng humigit kumulang sa 500 gramo ng hinihinalang cocaine na nagkakahalaga ng P2.65 milyon.

Batay sa ulat, alas-10:00 ng gabi nang ikasa ng mga awtoridad ang operasyon, sa pakikipag-koordinasyon sa Philippine National Police (PNP), sa Unit 1307 ng storage facility na matatagpuan sa AFP-RSBS Industrial Park, Km. 12, East Service Road, Taguig City.

Bukod sa suspected cocaine, nakadiskubre rin ang mga ahente ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) at PDEA-Intelligence and Investigation Service (PDEA-IIS) ng iba pang illegal items sa lugar, gaya ng kush, vape cartridges na may suspected marijuana oil, at iba pang paraphernalia.

Nabatid na ang pagsalakay ay konektado sa joint operation kamakailan ng BOC, NICA, at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City noong November 18, 2022 kung saan nakumpiska nila ang may P149.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu.

Ayon kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, ang accuracy ng mga ulat na natanggap nila ang naging dahilan kaya’t mabilis silang nakaaksiyon matapos ang paglalabas ng Letter of Authority (LOA).

“One of our best assets is the partnership we have with different government agencies. We maximize that relationship by bringing information to the table and acting on it immediately. That’s also why many of our operations against illegal drugs, in particular, have been successful… because we have an all-hands-on-deck approach,” ani Ruiz.

“Since assuming this position, my standing order—and I have been very firm on this—is for the BOC and other partner agencies to pour all our resources against contrabands, especially illegal drugs,” dagdag pa niya.

Para naman kay Customs Deputy Commissioner retired Maj. Gen. Juvymax Uy, kailangang nakapokus ng husto upang mapanagot sa batas ang mga responsable sa ilegal na aktibidad.

“Being able to put an end to the entry and proliferation of illegal drugs is the top priority of my being a deputy commissioner now. The agency works very hard to achieve our mandate and perform our duties at full capacity,” aniya.

Nabatid na ang mga nakumpiskang ebidensiya mula sa bodega at iti-turn over sa PDEA Laboratory Service para sa qualitative at quantitative examination at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Binigyang-diin naman ni CIIS Director Jeoffrey Tacio ang mahalagang suporta na natatanggap ng BOC mula sa administrasyong Marcos.

Ang iba pang BOC offices na kalahok sa anti-drug raid ay ang Customs Intelligence Division (ID) at Customs Anti-Illegal Drug Task Force-Enforcement Security Services (CAIDTF-ESS).

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID