WebClick Tracer

SPORTS

Jay-R Taganas, Rice Vanguards muling tatagpasin ang Knights

Laro ngayon (Nueva Ecija Coliseum)
6:30 pm – Nueva Ecija VS San Juan

Itutuloy ng ni Jay-R ‘Shaq’ Taganas at ng Nueva Ecija Rice Vanguards ang momentum upang muling mahakbangan ang San Juan Knights Go for Gold sa North Division Finals winner-take-all Game 3 ng OkBet-Extreme 4th Maharlika Pilipinas Basketball League 2022 Playoffss ngayong Biyernes sa Nueva Ecija Coliseum sa Palayan City.

Nagpasiklab si Taganas ng mga team-high 19 points at 15 rebounds nang rumesbak ang Novo Ecijanos sa Game 2 noong Martes sa balwarte ng Knights sa The Arena sa San Juan City, 89-83, at maitakda ang rubber match na ito sa alas-6:30 ng gabi.

Si Judel Ric Fuentes naman ang bibira sa San Juan pagkaraang mabalewala ang game-high niyang 27 markers sa huling salpukan. (Ramil Cruz)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID