Iniintriga ng mga Marites ang video na ibinahagi ni Gerald Anderson sa kanyang latest vlog kasama ang kanyang dyowang si Julia Barretto.
Naglaro kasi ang Kapamilya actor para sa isang koponan ng basketball team kung saan kinatawan niya ang kanyang pag-aaring resort.
Bago pa ang game, si Gerald ang naatasang maging flag bearer para magpasimula ng event.
Sumailalim din sa dunk challenge ang actor.
Todo naman ang suporta ni Julia sa nobyo na nagsilbing cheerer at number one fan ng nobyo.
Everytime na nakaka-shoot si Gerald ay sobrang tuwa nito.
Si Juls din ang nagsilbing tagapunas ng pawis ni Ge after every break.
Nang matapos ang game, in-acknowledge naman ng host ang presence ni Julia kung saan nagyakapan pa ang magkasintahan sa court na ikinakilig ng spectators.
Dahil dito, may mga malisyosang katkatera at sawsawera ang nagsabing mag-asawa na ang galawan ng magkasintahan at hindi na raw ito maikakaila sa kanilang mga kilos.
Puring-puri naman ng ilan si Julia dahil sa pagiging supportive nitong girlfriend kay Ge bagay na hindi nila nakita noon kay Bea noong sila pa ng aktor.
Ito naman ang ilang komento ng kibitzers.
“Di kaya nagli-live in na sila.”
“Hanga ako kay Julia. Parang asawa na ang galawan nila sa suportang ipinakikita niya kay Gerald. Kahit saan pumunta si Ge, nandoon siya.”
“Iyon ang pinagkaiba nila ni Bea. Si Juls, laging nakasuporta kay Gerald. Na hindi ko nakita kay Bea.”
“Hindi kaya secretly married na sila?”
“Suwerte ni Ge kay Juls kaya siguro mahal na mahal din siya ni Ge.”
“True. She’s a good catch. Kaya daw magtino na si Ge dahil bihira ka nang makakakita ng ganyang ka-devoted na dyowa.”
“Sobrang nakakakilig naman sila.” (Archie Liao)