Noon pa man ay nakitaan na ng potensyal ang tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Hirit pa nga ng kibitzers, sila ang maituturing na pinaka-popular na love team among their contemporaries.
Patok din ang naging pagsasama nila sa pelikulang “Love is Color Blind” at TV series na “He’s Into Her” na nagkaroon pa ng second season.
Ang kanila ring teen romcom na “Love is Color Blind” ay itinanghal na highest grossing Pinoy movie noong nakaraang taon.
Sa promotion naman ng kanilang movie na “An Inconvenient Love”, pinagkaguluhan at kinuyog din sila sa kanilang mall shows at kung pagbabatayan ang public adulation sa kanila ng kafaneyan, sila na nga ang new tandem to beat among the present crop of GenZ stars.
Sa kasalukuyan, pinipilahan din ang kanilang pelikula na pre-Christmas presentation ng Star Cinema.
Dahil sa kanilang undeniable chemistry at popularity, may mga nang-uurot na sila na nga ang papalit sa trono ng Kathniel.
Katunayan, may mga nagsasabing hindi na puwede sa kilig roles ang Kathniel kaya teritoryo na ito ng DonBelle.
Isa pa, nasabi rin noon ng KathNie na gusto naman nilang gumawa ng proyekto outside of their tandem para ma-try naman nila ang roles out of their comfort zones.
Hirit pa ng mga nagmamahadera, may tulog daw sina Kathryn at Daniel kina Donny at Belle lalo pa’t mas bet ng millennials ang mas sariwang tandem na mas nakaka-relate sila.
Pagtatanggol naman ng iba, hindi pa raw sapat ang achievements ng DonBelle para makabog nila nang bonggang-bongga ang KathNiel.