WebClick Tracer

METRO

Mag-ina ninakawan na, minanyak pa sa condo

Nasakote na rin ng kapulisan ang isang vendor na sangkot umano sa pagnanakaw at pangmomolestiya sa mag-inang Indian national na pinasok ng suspek at kasabwat nito ang condominium unit sa Quezon City kamakailan.

Kinasuhan ng robbery at acts of lasciviousness ang suspek na si Rommel Camacho, 27-anyos, vendor at nakatira sa Cubao.

Sa ng Cubao Police Station 7, nangyari ang krimen sa pagitan ng alas-tres hanggang alas-kuwatro ng madaling-araw nitong Nobyembre 17.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PEMS Vivian Umpad ng Women and Children Protection Desk, natutulog ang mag-ina nang magising dahil sinakal ang ina ng isa sa dalawang suspek at may isinubo sa kanyang bibig.

Hindi pa umano nakuntento ang mga suspek at sinaksak pa ang ginang ng patalim sa kaliwang dibdib. Nawalan ng ulirat ang biktima at minolestiya naman umano ang kanyang anak na batang babae.

Pagkatapos ay nilimas ng mga suspek ang nasa P4 milyong cash na nasa cabinet.

Nagawa namang makahingi ng saklolo ng ginang sa mga guwardiya ng condo nang muling magbalik ang kanyang ulirat.

Nasakote sa follow-up operation ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit ang suspek na si Camacho habang tinutugis pa ang kasabwat niya.

Positibo namang itinuro ng biktima ang suspek. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID