WebClick Tracer

NEWS

PhilHealth boss itinalaga ni PBBM

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. si Emmanuel Rufino Ledesma Jr. bilang acting president at chief executive officer (CEO) ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Nanumpa kahapon si Ledesma, na dating presidente at CEO ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM), kay Executive Secretary Lucas Bersamin, kung saan ay pinalitan niya siEli Dino Santos.

Bukod sa pagiging PhilHealth chief, miyembro rin si Ledesma ng expert panel at board of directors ng PhilHealth. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID