WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Pulis, 5 pa todas sa holdap

Patay ang anim katao na kinabibilangan ng apat na holdaper, isang pulis at isang sibilyan matapos ang naganap na engkwentro nang holdapin ng tinatayang anim na holdaper ang isang bakeshop at restaurant kahapon sa bayan ng M’lang, North Cotabato.

Kinilala ang nasawing pulis na si PSSG Rudy V. Amihan Jr., naka-assign sa COMAPC sa Barangay Bagontapay at isa sa mga unang pulis na rumesponde habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang napatay na sibilyan gayundin ang apat na nasawing holdaper.

Sugatan din ang tatlong iba pa na kinabibilangan ng isa pang pulis na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente alas-tres ng hapon sa isang bakery at restaurant sa Barangay Bagontapay ng nasbaing bayan.

Unang binaril ng mga suspek ang dalawang costumer bago magsitakas subalit nakaresponde agad ang mga pulis mula sa Mlang Municipal Police Station (MPS) kabilang si Amihan Jr., dahilan upang magkaroon ng running gunbattle ang pulisya at nakamotor na mga suspek at pumalo sa anim ang patay.

Patuloy pa ang imbestigasyon at manhunt operation para sa posibleng pagdakip ng iba pang mga suspek. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID