WebClick Tracer

METRO

Rapist naka-3 round sa dalagita bago tinantanan

PINAGHAHANAP ngayon ng otoridad ang isang water delivery boy matapos gahasain ang menor-de-edad na babae na nakilala lang sa social media sa Baguio City kamakalawa.

Ayon sa Baguio City Police Office (BCPO), bago ang insidente, kinumbinsi umano ng 23-anyos na suspek ang 14-anyos na biktima na magkita sila sa Malcolm Square, Baguio City.

Nag-inuman umano sila sa bahay ng suspek at nang malasing, dito na umano ginahasa ng suspek ang dalagita ng tatlong beses.

Sa salaysay ng biktima, matapos siyang halayin, pinauwi siya ng suspek ngunit tinakot oras na magsumbong.

Sa kabila ng banta, naglakas-loob pa rin ang biktima na magsumbong sa mga magulang na agad na nag-report sa pulisya kaya pinaghahanap ang suspek. (Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID