WebClick Tracer

NEWS

Robin tabla kay Bato sa adik ‘wag ikulong

Pinasusuring mabuti ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang panukalang nagsusulong na huwag patawan ng parusang kulong ang mga mahuhuling gumagamit ng ilegal na droga na siyang itinutulak ngayon ni Senador Robin Padilla.

Ani Dela Rosa na dating may-akda ng pag-decriminalize sa mga gumagamit ng ilegal na droga narinig na rin niya ang komento ng mga awtoridad laban sa panukala.

Tutol aniya ang National Bureau of Investigation (NBI) at Dangerous Drug Board (DDB) na i-decriminalize ang drugs batay sa isinumite nilang position paper.

“Tama nga iyong sabi ng DDB na baka iyong magiging standard ng mga tao, ‘walang problema iyan, gamit tayo ng droga.

Hindi naman tayo makukulong. Rehab lang tayo.’ Iyon iyong meat ng opinyon ninyo,” sabi ni Dela Rosa.

“Napaisip rin ako, kung i-decriminalize natin iyong drug using, baka ma-decriminalize na rin natin iyong drug possession,” dagdag nito.

Sa panig naman ni Padilla iginiit nito ang pag-decriminalize sa gumagamit ng droga sa halip na ipakulong.

“Siguro, automatic i-rehab sila. Kung automatic rehab, mapupuno talaga iyang mga iyan,” ani Padilla sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs tungkol sa drug abuse treatment at rehabilitation centers.

Iginiit pa ng senador sa nasabing pagdinig na‘offenders’ lamang ang mga drug user at hindi dapat ikumpara sa mga marahas nakriminal.

“Paghiwalayin natin iyong pusher, drug dealer. Iyong mga kawatan talaga, ihiwalaynatin sa mga biktima. Iyon lamang po ang purpose ng panukalang batas,” paliwanag. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID