WebClick Tracer

SPORTS

Ryan Pearson ikakayod ang Rain or Shine vs Blackwater

Nasa 9th place ng 47th PBA Commissioner’s Cup ang Rain or Shine sa 4-6 record, para paypayan ang tsansa sa next round ay obligadong talunin ang Blackwater (3-8) sa PhilSports Arena mamaya.

Tatapusin ng Elasto Painters ang elims kontra Magnolia sa Dec. 2.

“Tingin ko, if we could win our last two games wala na kami sa playoff (ng isa sa last quarters berth),” paliwanag ni RoS coach Yeng Guiao. “Pero if we could win only one, we might need to go through a playoff.”

Nasilat ng Converge ang Painters 102-101 noong Nov. 13. Abante pa ang Rain or Shine ng tatlo sa final minute bago tumukod.

Muling aasa si Guiao kina Ryan Pearson, Gian Mamuyac, Anton Asistio at Andrei Caracut.

Sa kabila, nasa five-game slide ang Bossing pero may tsansa pang humirit ng playoff para sa isang quarterfinals berth kapag nakapuwersa ng multiple ties sa 8th.

Kaya lang, sidelined sina Troy Rosario, Baser Amer, Jayvee Casio at Josh Torralba sa injuries, nasa health and safety protocols din si Gab Banal. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID