WebClick Tracer

NEWS

San Miguel, SM, Ayala, Jollibee swak na ‘World’s Best Employers’

Pitong kompanya sa Pilipinas na kontroladong ilan sa pinakamayayamang pamilya sabansa ang napabilang sa listahan ng 2022 World’s Best Employers ng Forbes magazine.

Ang Jollibee Group ng Bilyonaryong si Tony Tan Caktiong ang nakakuha ng pinakamataasna ranking sa pitong kompanyang Pilipino, na pumapasok sa ika-106.

Sinundan ito ng bilyonaryong si Ramon Ang ng San Miguel Food and Beverage na nasaika-174 na puwesto.

Sumunod na pumasok ang Conglomerate Ayala Corp., na nasa ika-581, na sinundan ng SM Investments Corp. ng pamilya Sy na nasaika-605 puwesto.

Nasungkit ng Metrobank ng pamilya Ty ang ika-637 na puwesto, habang ang Alliance Global Group ni Andrew Tan ay nasa ika-688 na puwesto.

Ang Aboitiz Equity Ventures naman ay nasaika-740 na puwesto. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID