WebClick Tracer

SPORTS

Sandi Menchi Abahan, Andrico Mahilum wow sa World Obstacle Course Racing

Petmalu ang ‘Pinas sa Altitude Obstacle Course Racing (OCR) World Championships Mount Everest sa Himalayas nitong Nov. 8-22 nang walisin nina Sandi Menchi Abahan at Andrico Mahilum ang mga titulo sa women’s at men’s divisions.

Sumama sila lumalaking bilang ng mga atletang Pinoy at Pinay na mga nagiging pandaigdig na kampeon sa iba’t ibang sports gaya nina weightlifter Hidilyn Diaz, gymnast Carlos Edriel Yulo, Margarita Ochoa ng jiu-jitsu at iba pa.

Dinaig ni Abahan, isang Igorota at elite trail runner ang mga astig na karibal mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa 10-obstacle, at pag-akyat sa napakalamig na nagyeyelong pinakamataas na nasabing bundok sa mundo upang ideklarang reyna.

Gayundin ang elite runner at Army sergeat na si Mahilum na naka-assign sa Taguig para maging hari ng 15 araw na karera sa kabundukan.

Ipinahayag Huwebes ni Pilipinas Obstacle Sports Federation president Atty. Alberto Agra na batak sa training at pokus sa kompetisyon ang dalawang atleta na susi nila sa tagumpay.

“Para sa kanila ang mga tagumpay na ‘yan. Nandito lang kami para sa kanila, mapabuti ang buhay nila sa pamamagitan ng sports,” hirit pa ng opisyal.

Patungo sa malaking panalo, kagagaling lang ng nakabase sa Baguio na si Abahan sa pamamayagpag sa Spartan Pro 30-39 age-group category sa 50k Borneo Trail Classic sa Kuching, Sarawak, Malaysia nitong Oktubre. (Ramil Cruz)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID