WebClick Tracer

METRO

SWAT tigok sa nililinis na boga ng tropa

Nasawi ang isang pulis matapos na aksidenteng mabaril ng kanyang kasamahan sa loob ng barangay hall sa Brgy. 1-B, San Pablo City, Laguna, Huwebes ng umaga.

Ayon sa report ng San Pablo City police, naglilinis ng kanilang mga baril ang biktima at mga kasamahan nito nang aksidente pumutok ang isa sa mga service firearm ng grupo dakong alas-8:30 ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Corporal Fhrank Aldene Dela Cruz, 30-anyos, tubong Alicia, Isabela at nakatalaga sa Special Weapons and Tactics (SWAT) ng San Pablo City Police.

Lumalabas sa imbestigasyon na naghahanda ang mga pulis para sa inspection na gagawin ng Regional Supply Accountable Officer sa kanilang mga baril.

Iniinspeksyon ng ng pulis na si Corporal George Mervin Cañete Duran ang kanyang service firearm na 9mm nang pumutok ito at tinamaan sa dibdib ang biktima.

Agad na isinugod ang biktima sa ospital subalit idineklara na itong dead on arrival ng doktor.

Pansamantalang kinustodiya ng San Pablo City Police Statin ang nakabaril na pulis habang patuloy pang iniimbestigahan ang insidente. (Ronilo Dagos/Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID