WebClick Tracer

SPORTS

Tai Bierria, Cignal HD Spikers sinilat Chery Tiggo Crossovers

STANDING
TEAM W L
Creamline 1 0
Cignal 1 0
Chery Tiggo 0 1
Petro Gazz 0 1

Mga laro sa Linggo (Smart Araneta Coliseum)
2:30 pm – Creamline vs Cignal
5:30 pm – Chery Tiggo vs Petro Gazz

Nagtala si Tai Bierria ang career-high 21 points nang sorpresang resbakan ng fourth seed Cignal ang eliminations tormentor at No. 2 Cherry Tiggo, 28-26, 25-17, 25-23 para akbayan ang Creamline sa liderato sa siklab ng 5th Premier Volleyball League 2022 Reinforced Conference single round semifinals Huwebes ng gabi sa PhilSports Arena sa Pasig.

Trinabaho ng import ang kanyang produksyon sa 19 attacks at 2 blocks upang itulak ang HD Spikers sa pangalawang ragasa kasama ang sa elims sa season-ending tournament na pinatatakbo ng Sports Vision.

“Whenever I was called, I put all my energy to help my teammates win the game. We were nervous and a little shaky in the beginning but we were able to bounce back. We just talk to ourselves to keep going, keep learing and that will give you the victory,” bulalas ni Bierria.

Winalis naman ng Cool Smashers Petro Gazz, 25-21, 25-20, 25-23, sa likod ng 17 markers ni Yeliz Basa para sa pangatlong ragasa. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID