WebClick Tracer

METRO

Vlogger chinop-chop ang girlfriend

Arestado ang isang chef/food vlogger matapos katayin ang kanyang live in partner at itinatapon sa kung saan-saan sa paligid ng Delhi, India.

Kinilala ang suspek na si Aftab Amin Poonawala, 28-anyos habang ang tinadtad nitong dyowa ay si Shraddha Walkar, 27, call centre employee, kapwa nakatira sa Delhi, India.

Ayon kay Ankit Chauhan, senior police official ng Delhi south district, bago ang insidente ay nagtalo ang dalawa na nauwi sa madugong pagpatay.

Naka- recover ang pulisya ng ilang parte ng katawan na itinapon sa ilang bahagi ng Mehrauli forest.

Nakilala ang pira-pirasong bangkay nang mag-report sa pulisya si Mr Sharad Walkar at sinabing nawawala ang kanyang anak.

Sinabi pa ni Mr Walkar na nag-aalala siya dahil sa halos 3-taon pagsasama ng dalawa ay nagsusumbong ang anak na inaabuso siya ng suspek.

Lumalabas na sinakal ni Poonawala si Walkar bago pinaghati-hati ng 35 piraso saka isinilid sa ref na tulad ng napapanood na American TV show Dexter na isang serial killer at ikinalat sa ibat ibang bahagi ng kagubatan. (Vick Aquino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID