WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

200 palaboy dinakma

Dinampot ng mga tauhan ng Task Force Sampaguita ng Quezon City ang mahigit sa 200 mga street dwellers na kinabibilangan ng mga batang naglilimos, nagtitinda ng sampaguita at mga Badjao.

Ayon kay Eileen Velasco – hepe ng community outreach division ng Social Services Development Department ng Quezon City, ang mga dinakma sa operasyon ay dinala sa covered court ng Quezon City Memorial Circle.

Ayon kay Velasco ang operasyon ay naglalayong matulungang mapauwi sa kanilang mga probinsya ang mga namamalimos na mga Badjao at mailigtas sa kapahamakan sa kalsada ang mga batang nagtitinda ng sampaguita at iba pang nanlilimos.

Sinabi pa ni Velasco, na dumagsa na ang mga nanlilimos na Badjao sa lungsod kung saan karamihan sa mga ito ay galing sa Zamboanga at Jolo sa Sulu.

Matapos ma-profile, dinala ang mga Badjao sa Jose Fabella Center sa Mandaluyong City para mai-proseso ang pagpapauwi sa mga ito sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ipinasailalim din sa antigen test ang mga katutubo lalo na ang walang bakuna kontra COVID-19. (Riz Dominguez)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on