WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

91-anyos biyuda natusta

Patay ang isang 91-anyos na lola matapos maiwan sa loob ng nasusunog na bahay sa bayan ng Jiabong, Samar kamakalawa ng hapon.

Sunog ang buong katawan at halos hindi na makilala nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Cristina Jabien, biyuda, sa nasunog nitong bahay sa Barangay Karunungan ng nasabing bayan.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng bayan ng Jiabong, alas-2:29 ng hapon kamakalawa nang sumiklab ang sunog mula sa kuwarto ng biktima.

Sinubukan pa umanong iligtas ng anak na si Floriezel ang kanyang ina subalit dahil sa malaki na ang apoy ay wala na itong magawa kundi ang iligtas na lang ang kanyang sarili.

Mabilis naman ang responde ng mga bumbero sa lugar at naapula ang sunog alas-3:30 ng hapon.

Nang pasukin ng mga bumbero ang loob ng kuwarto ng biktima ay doon na nakita ang sunog na bangkay nito.

Ayon kay Senior Fire Officer 1 Ralph Lemuel Agbon ng Jiabong BFP, dalawang kabahayan kabilang ang pagmamay-ari ng biktima ang idineklarang totally damage habang tatlong iba pa ang bahagyang nasunog.

Tinatayang P1M din ang halaga ng mga naabong ari-arian habang patuloy ang imbestigasyon kung ano ang pinagmlan nito. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on