Sumakabilang-buhay na ang ina ni Aicelle Santos.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Aicelle ang malungkot na pangyayari.

Nag-post siya ng larawan ng kanyang kamay na may nakadapong dilaw na paru-paro at may caption na…

“I know this is you, Ma.💛
Fly free now.
Mahal na mahal na mahal po kita.🙏”

Agosto ngayong taon ay na-stroke ang ina ni Aicelle na si Leonila “Onnie” Santos na siyang dahilan upang ma-comatose ito at matagal na mamalagi sa ICU o intensive care unit ng isang ospital.

Sa laki pa nga ng gastusin sa ospital na inabot na ng milyong piso ay bumuo ng isang GoFundMe page si Aicelle at kapatid niyang si Aaron para sa kanilang ina nitong September.

Pero sa kasamaang-palad ay binawian rin ng buhay ang kanilang ina kahapon.

Ilan sa mga nagpaabot na ng pakikiramay kay Aicellle ay sina Julie Ann San Jose, Rita Daniela, Jolina Magdangal, Gabbi Garcia, Nelson Canlas, Kim Molina, Jerald Napoles, Kakai Bautista at Mark Bautista.

Ni Rommel Gonzales

View this post on Instagram

A post shared by Aicelle Santos 🇵🇭 (@aicellesantos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *