WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Mag-asawa, 4 pa dedo sa engkuwentro

PATAY ang anim na miyembro ng New People’s Army na kinabibilangan ng isa nilang lider at misis nito sa nangyaring engkuwentro sa tropa ng pamahalaan sa Sultan Kudarat, ayon sa report ng Western Mindanao Command.

Sa report ay hindi na pinangalanan ang mga namatay.

Ayon pa kay Joint Task Force Central commander, Major General Roy Galido, nangyari ang engkuwentro sa pagitan ng 7th Infantry Battalion at 10 hinihinalang rebelde sa Sitio Sandigan sa Mudti sa Barangay Chua.

Ang nasabing mga rebelde ay pinamumunuan ni Dennis Dulonan o “Kalbo,” at kilalang Executive Committee member at Deputy Secretary ng natitirang East Daguma Front, Sub-Regional Committee Daguma, sa Far South Mindanao Region.

Sinabi pa si ulat na si Dulonan ay wanted sa kasong arson at frustrated murder.

Nakuha mula sa crime scene ang AK47, tatlong M16 rifles, magazines, propaganda materials, at personal na gamit.

“This recent encounter exemplifies that the CTG capabilities are significantly degraded,” sinabi ni WestMinCom acting commander Brigadier General Arturo Rojas. (Kiko Cueto)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on