WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

P7M shabu nasilat, 6 bagsak

Anim na drug suspect ang naaresto habang nasa P7.4 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa isinagawang hiwalay na anti-illigal drug operation ng pulisya sa Cebu City kamakalawa.

Unang naaresto sina Joselito Tabalino, 38, ng Barangay Buhisan; Charles Bacalla, 28; Danny Montemor, 19, at tiyuhin nitong si Maximo Montemor Jr., 33, pawang residente ng Barangay Tisa, pasado alas-otso ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit ng Police Regional 7, laban sa mga suspek sa Barangay Buhisan ng nasabing lungsod.

Nakumpiska sa mga ito ang tinatayang 700 gramo ng shabu na aabot sa halagang P4.7 milyon.

Dalawang oras ang nakalipas ay isang buy bust operation naman ang isinagawa ng Intelligence Unit ng Cebu City Police Office (CCPO) sa Barangay San Nicolas, Cebu City na ikinaaresto ng dalawang suspek na sina Reymundo Olasco, 28, at Glanes Agusto, 26, kapwa taga-Barangay Duljo Fatima.

Nakumpiska sa mga ito ang aabot sa 405 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P2.7 milyon.

Sa ngayon ay nakakulong na ang mga suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga ito. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on