WebClick Tracer

NEWS

Mga bagong COVID variant susulpot habang may hawaan – Vergeire

Magsusulputan ang mga bagong variant ng COVID-19 hanggang patuloy na nagkakaroon ng hawaan sa virus na ito, ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Kung kaya’t mahalaga talaga aniya na bakunado laban sa coronavirus bilang proteksyon laban sa mga nagsusulputang variant nito.

“Alam din natin at ng ating mga eksperto iyan, kaya ang mas importante talaga ay pigilan ang pagpasa ng virus para maiwasan ang pag-mutate nito, at lalong importante na laging handa ang ating healthcare system to respond to these emerging variants,” wika ni Vergeire.

Sabi ni Vergeire, mahalaga na palakasin ang local at international surveillance gayundin ang data-sharing system para matiyak na masusundan ang mga nagsusulputang variant, mapag-aralan ito at ma-update ang mga bakunang panlaban sa coronavirus.

“The science of COVID-19 is evolving. Araw-araw may bagong datos na inaaral ang mga eksperto. Despite this, what is clear to us is that our layers of protection continue to be effective against COVID-19 and its variants,” ani Vergeire.

Ayon kay Vergeire, epektibo pa rin ang mga bakuna kontra COVID laban sa mga bagong variant nito.

“As of now, all our vaccines continue to be effective against severe cases caused by detected variants. This is why we continue to appeal to our kababayans to get vaccinated and boosted against COVID-19 on top of other layers of protection, to minimize transmission and in effect, the emergence of new variants,” pahayag pa ni Vergeire.

Noong Biyernes, Nobyembre 25, inanunsyo ng DOH na may bagong Omicron variant na nakapasok na sa Pilipinas at tinawag itong BQ.1 na kabilang sa sublineage ng highly transmissible na BA.5 subvariant.

Nakapagtala umano ng 14 na kaso ng BQ.1 sa bansa batay sa genome sequencing ng UP-Philippine Genome Center, Research Institute for Tropical Medicine, at San Lazaro Hospital mula Oktubre 28 hanggang Nitong Nobyembre 18.

Inilarawan ni Vergeire ang BQ.1 na “more transmissible and highly immune evasive” kumapara aniya sa iba pang Omicron subvariant.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on