WebClick Tracer

NEWS

AFP sinopla Chinese Coast Guard sa pang-aagaw

Sinuportahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posisyon ng kanilang mga opisyal na puwersahang kinuha ng Chinese Coast Guard ang ilang parte ng debris ng kanilang rocket na nakuha at isinakay sa rubber boat ng ilang sundalo sa Pag-asa Island noong nakaraang Linggo.

“Kami sa AFP ay naniniwala na totoo at tama at accurate `yung pagkakasalaysay ng ating kasundaluhan,” pahayag ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar sa panayam kahapon.

Ang tinutukoy ni Aguilar ay ang naunang pahayag ni Navy Vice Admiral Alberto Carlos hinggil sa puwersahang pagkuha ng Chinese Coast Guard sa mga parte ng rocket ng China na nakuha ng Philippine Navy sa Pag-asa Island.

Mariin namang itinatanggi ito ng China at sinabing kusang ibinigay sa kanila ng Philippine Navy matapos ang tinatawag na “friendly consultation”.

“Dapat na malaman ng lahat kung ano ba talaga ang totoong nangyari. Wala kaming isang dahilan para gumawa ng kuwento o magsinungaling ang ating kasundaluhan,” pahayag pa ni Aguilar.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Ferdinand Marcos Jr. na pinaniniwalaan niya ang Navy sa kanilang pahayag.

“So we have to now ask the Chinese why is it that their account is so different, and it’s much more benign,” sabi ng pangulo.

Nitong Huwebes ay humingi na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng paliwanag ng China hinggil sa insidente. (Edwin Balasa)

October 10, 2022 | Pilot Episode” frameborder=”0″ allow=”accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture” allowfullscreen>

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on