WebClick Tracer

SPORTS

Ateneo Blue Eagles binweltahan sina Deschon Winston Evan Nelle

Binira ng mga Ateneo Blue Eagles fan at netizen sina La Salle Green Archers stalwarts Deschon ‘Sconny’ Winston at Evan Nelle sa pag-itsapuwera sa AdMU sa Final Four ng 85th University Athletic Association of the Philippines 2022 men’s basketball tournament.

Sa isang interview nito lang, dehins sinama ng mga player ang mga Atenista sa semifinals. Pinili ng una ang DLSU, UP Fighting Maroons, Adamson Soaring Falcons at NU Bulldogs, habang ang huli ay hinulaan ang Archers, Maroons, Falcons at FEU Tamaraws na mga papasok.

Sa kasamaang-palad, nakasalalay ngayon sa Ateneo ang kapalaran ng Taft-based dribblers sa semifinals. Bukod dito, dapat ding silatin ng Santo Tomas Growling Tigers ang Eagles sa wakas ng eliminations sa Miyerkoles sa Araneta Coliseum.

“It’s funny that DLSU’s Final Four hopes are in the hands now of BEBOB – a team they did not include in their final four prediction (Nelle/Winston’s podcast),” banat ng isang netizen Linggo ng hapon. (Annie Abad)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on