WebClick Tracer

SPORTS

Babylove Barbon, Gen Eslapor nanalasa sa beach volleyball

Lumapit ang tambalang reigning MVP Babylove Barbon at Gen Eslapor sa pangwalong sunod na titulo para sa University of Santo Tomas nang itumba sina Euri Eslapor at Alyssa Bertolano ng University of the Philippines, 21-16, 21-6, sa 85th University Athletic Association of the Philippines 2022 women’s beach volleyball tournament semifinals Linggo ng hapon sa Sands SM By the Bay sa Pasay City.

Nananatiling walang bahid ang Golden Tigresses para sa pang-36 na sunod na panalo sapul pa noong 2016. Sunod sa España-based squad ang National University sa finals sa Martes sa parehong venue.

Tinagpas nina rookie Honey Grace Cordero at Kly Orillaneda ng Lady Bulldogs sa isa pang Final Four match sina Justine Jazareno at Jolina Dela Cruz ng De La Salle University, 21-17, 21-14.

Pag-aagawan ng Lady Maroons at Lady Archers ang tersera puwesto.

Unang nilapa ng Tigresses ang Lady Spikers sa huling araw ng eliminations, 23-21, 21-14 upang makuha ang malinis na 7-0 kartada.

Tinapos naman nina Cordero at Orillaneda ang University of the East tandem nina Meriam Mungcal at Khrisia Lerom 21-6, 21-9, para sa 6-1 rekord. (Gerard Arce)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on