WebClick Tracer

NEWS

Bakunahang Bayan kontra COVID ilalarga sa Dec 5-7

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na magsasagawa ito ng malawakang pagbakuna laban sa COVID-19 bilang paghahanda sa Kapaskuhan.

Ayon sa DOH, magkakaroon ng Bakunahang Bayan na gagawin sa loob ng tatlong araw, simula Disyembre 5 hanggang 7.

Binigyang-diin ng DOH na bukod sa mga ginagawang preparasyon para sa mga pagdiriwang sa nalalapit na Kapaskuhan ay dapat din paghandaan ang proteksyon para sa kalusugan.

Hinimok ng kagawaran ang publiko na suportahan ang nasabing aktibidad para na rin sa proteksyon at kaligtasan.

Pinayuhan din ang publiko na alamin sa kanilang mga local government unit kung saan ang pinakamalapit na bakunahan na mapupuntahan nila.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on