Maraming intense scenes sa pelikulang “Bata Pa Si Sabel” . Tiyak na pag-uusapan ang nasabing erotic sex revenge thriller na idinirehe ni Direk Reynold Giba.
Isa na rito ang eksena ng Viva hunk actor at model na si Chad Solano kung saan ni-rape niya ang lead actress na si Micaela Raz.
Ayon pa sa director nito, maraming bago raw na ipakikita sa movie lalo na pagdating sa sex scenes.
Katunayan, dahil daw sa lakas ng impact ng pakikipag-sex ni Chad kay Micaela, dalawang beses na nakasira ng kama ang model-actor.
Hindi naman itinanggi ni Chad ang diumano’y panlalaglag sa kanya ng kanilang direktor.
Aniya, sa kanya namang parte bilang artista, ibinibigay lang daw niya nang todo ang kanyang dedikasyon bilang actor.
Kumbaga, iyong gigil daw niya kay Micaela ay dala ng karakter na kanyang ginagampanan kaya nawarat niya ang kama.
Kahit daw, gumaganap na rapist sa pelikula, hindi raw naman siya iyong tipong nag-take advantage sa kanyang kaeksenang babae.
Katunayan, during the shoot , prinotektahan daw niya si Micaela.
Ganoon din daw naman ang naging trato niya sa kanyang ibang leading ladies.
Para sa kanya, okey lang sa kanya na makitaan ng kanyang pagkalalake at hindi ang kanyang screen partner sa pelikula during the shoot.
Malaki raw kasi ang paggalang niya sa mga kababaihan gaya ng kanyang ina.
Bukod kay Micaela, tampok din sa pelikula ang Raz sisters na sina Angela Morena at Stephanie Raz at ang Philmoda hunks na sina Benz Sangalang at Rash Flores.
Kasama rin sa cast sina Katya Santos , Aica Veloso, Rey Abellana at Julio Diaz.
Ang pelikula ay palabas na sa Vivamax simula sa Disyembre 2. (Archie Liao)