WebClick Tracer

NEWS

DSWD tinukuran sa ayuda ng mga katutubo

Nagpahayag ng suporta ang isang mambabatas sa plano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bigyan ng ayuda ang mga indigenous people (IP).

Pinuri rin ni Benguet Rep. Eric Yap si DSWD Secretary Erwin Tulfo na lalo umanong naglapit sa publiko ng mga tulong na ibinibigay ng gobyerno sa mga nangangailangan.

Naniniwala ang kongresista na dahil sa ginagawa ng DSWD na inilalapit sa maraming nangangailangan ang mga tulong ng gobyerno ay mabibigyan din ng prayoridad ang mga katutubo.

“Now, the welfare of our IPs will be given precedence,” sabi ni Yap. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on