WebClick Tracer

SPORTS

Luka Doncic, Dallas Mavericks nganga kontra Toronto Raptors

INJURED sina Scottie Barnes at Pascal Siakam, nagawan ng paraan nina OG Anunoby, Fred VanVleet at Chris Boucher na ihatid ang Toronto sa 105-100 panalo kontra kay Luka Doncic at Dallas sa 77th National Basketball Association 2022-23 regular season game sa Sotiabank Arena nitong Sabado.

Nagsumite si Anunoby ng 26 points at 9 rebounds, may 26 markers, 6 boards at 7 assists si VanVleet at tumapos ng double-double na 22 pts., 13 rebs. si reserve Boucher para sa Raptors (10-9).

Naubusan ang 24 pts. ni Doncic at 16 ni Dorian Finney Smith sa Dallas (9-9). May 7 rebs. at 9 asts. pa si Doncic, 8 of 15 mula sa floor at 2 for 4 sa 3s.

Kinamada ni Anunoby ang 12 pts. niya sa fourth quarter huli ang final 2 free throws na nagselyo sa panalo.

Sa basket ni Doncic 26 seconds sa laro ay dumikit ang Mavs 101-100 pero agad sumagot ng dalawang free throws si Thad Young. Ginamit ng Dallas ang huling timeout para magkrokis ng play, nawala naman kay Finney-Smith ang bola. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on