WebClick Tracer

NEWS

Mga guro dapat lang dumistansya sa estudyante – VP Sara

Muling iginiit ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang kahalagahan na maging propesyonal ang mga guro sa kanilang mga estudyante at limitahan ang pakikipag-ugnayan sa mga ito sa labas ng paaralan.

Sa paglulunsad ng Child Protection Unit (CPU) website at Learner Telesafe Contact Center national hotline, muling iginiit ni Duterte ang kahalagahan na maproteksyunan ang mga mag-aaral laban sa sexual abuse.

“Some cases were classic examples of sexual grooming — a predatory activity primarily by adult offenders who use their position, resources, charm, and influence to carry out their plan against a child or another vulnerable adult,” sabi ni Duterte.

Ayon kay Duterte, hindi na dapat magkaroon ng kontak o koneksyon ang guro sa kanyang mga mag-aaral paglabas ng paaralan na walang kaugnayan sa pag-aaral.

“Some do not understand my position with regard to professionalism. But truly, if you are a teacher, you have no business drinking alcohol with your students. And if you are a teacher and you are attracted to a student you are drinking with, that is preliminaries to what you want to do to the child,” sabi ni Duterte.

Ito umano ang dahilan kung bakit paulit-ulit na ipinapaalala ni Duterte ang kahalagahan na maging propesyonal ang mga guro sa kanilang mga estudyante at ang importansya na maging role model sa mga ito.

Kamakailan ay inilabas ni Duterte ang Department Order No. 49, s. 2022 na nag-uutos sa mga opisyal at guro ng mga pampublikong paaralan na huwag magkaroon ng relasyon o interaksyon sa mga mag-aaral maliban na lamang kung kapamilya o kamag-anak nila ito.

Sinabi ni Duterte na ang CPU website ang magsisilbing backbone upang mapangalagaan ang mga estudyante at ang Learners TeleSafe Contact Center Helpline ang magsisilbing sumbungan ng mga naaabuso.

Inilunsad ang CPU at national hotline kasabay ng selebrasyon ng 30th National Children’s Month. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on