WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Mister inaway si misis, tigok sa suntok

Patay ang isang 38-anyos na vendor matapos suntukin ng hindi nakikilalang lalaki kahapon ng madaling-araw sa Sitio Taboc, Barangay Looc, Danao City.

Ang biktima ay nakilalang si Mark Gil Albaño Nebria, taga-bayan ng Compostela, na idineklarang dead on arrival sa Cebu Provincial Hospital-Danao City.

Ayon kay PLieutenant Colonel Fortunato Ecle Jr., chief ng Danao City Police Station, naganap umano ang insidente alas-3:40 ng madaling araw.

Sinabi ni James, kapatid ng biktima na nag-iinuman umano sila nang dumating ang kinakasama ng biktima at pinauwi na ito pero nagkaroon ng pagtatalo habang naglalakad hanggang itulak ng biktima ang kinakasama.

Sa puntong ito, isang di nakikilalang lalaki ang lumapit kay Mark at pinagsabihan na huwag saktan ang babae na ikinagalit umano ng biktima at sinabihang wag silang pakialaman.

Sa puntong ito, sinuntok ng lalaki ang biktima na nawalan ng malay kung saan umalis na ang suspek.

Hindi naman na nagising ang biktima at idineklarang dead in arrival sa pagamutan.

Ayon kay Dr. Nestor Casidre Jesson Lim, ng Cebu Provincial Hospital-Danao City, ang biktima ay nasawi dahil sa hemorrhage shock, subarachnoid hemorrhage secondary to blunt trauma at secondary to mauling. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on