WebClick Tracer

SPORTS

Myla Pablo, Petro gazz Angels sinibak Chery Tiggo Crossovers

STANDING

TEAM W L

Cignal 2 0

Creamline 1 1

Petro Gazz 1 1

Chery Tiggo 0 2

Mga laro sa Martes

(Philsports Arena, Pasig)

2:30 pm – Cignal vs Petro Gazz

5:30 pm – Creamline vs Chery Tiggo

Pinatalsik ni Myla Pablo at third seed, defending champion Petro Gazz ang No. 2 Chery Tiggo, 25-15, 25-17, 25-13 sa 5th Premier Volleyball League 2022 Reinforced Conference single round semifinals Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Pumukpok ang 29-anyos, 5’10’’ outside hitter mula sa Tarlac ng 15 points mula sa 11 attacks 4 blocks upang akbayan sa segunda ng Angels ang Creamline sa 1-1 win-loss slate at manatilling buhay sa karera sa dalawang silya sa final.

“Kailangan bumawi ako kasi ilang games na ako off. Ginawa ko lang best ko kasi hinahanap ako ng mga kakampi ko at sinabihan din ako ng mga coach na bumawi at nagawa ko nga ngayon,”sey ni Pablo, na sinipa na sa finals ang Crossovers sa 0-2.

Nakatatlong puntos lang si Pablo nang unahan din ng kampo niya ang Chery sa eliminations sa five-set win noong Nov. 12.

Sumukli si Marivic Velaine ‘Riri’ Meneses ng krusyal na 11 points sa 21 ni Tai Bierria nang resbakan naman ng HD Spikers (2-0) ang Grand Slam-seeking Cool Smahers (1-1), 23-25, 25-23, 28-26, 25-18. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on