WebClick Tracer

NEWS

P1M koleksyon ng kumpanya kinurakot

HINDI umubra ang tangkang pagpuslit ng P1 milyon cash ng isang Chinese national nang mabuking ito ng security guard sa gate ng kumpanya sa Kawit, Cavite Biyernes ng hapon.

Kasong Qualified Theft ang kinakaharap ng suspek na si Pengchao Wang, nasa wastong edad, dahil sa reklamo ni Johndel Grafil Magalang, ng First Orient International Ventures Corporation (FOIVC).

Sa ulat ni PMSgt Erwin Clerigo, ng Kawit Police Station, alas-6:05 kamakalawa ng hapon, palabas na ang suspek sa gate ng FOIVC sa Brgy Pulborista, Kawit Cavite nang inspeksiyunin siya ni Celsa Gadiane Aquilita, Internal Security Officer bilang bahagi ng kanilang trabaho.

Nang busisiin ang dala niya pulang eco bag, nakita nito ang kumpol ng pera dahilan upang imbitahan siya sa security office kung saan nalaman na kinarakot nito ang pera ng kumpanya at hindi nito ni-remit ang nasabing halaga.

Si Wang ay empleyado at collector ng nasabing kumpanya. (Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on