WebClick Tracer

NEWS

PBBM admin tinutok giyera sa mga drug lord

Inilunsad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sariling bersyon nito ng programa kontra ilegal na droga sa bansa sa isang pagtitipon na ginanap sa Quezon City.

Sa kanyang pagsasalita, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. na target ng nirepasong kampanya kontra droga ang mga drug lord.

“Hindi tayo titigil, hindi lang malalaking isda. Ang importante `yung tinatawag na demand reduction, `yung gumagamit ng droga. What is more important is the whole of nation approach… pupunuin namin ang mga kulungan ng mga pusher,” sabi ni Abalos sa isang panayam.

Ayon kay Abalos, puntirya ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan o BIDA program na barahan ang demand ng ilegal na droga sa pamamagitan ng mga komunidad.

Giit pa ng kalihim na dapat may pagkilala sa karapatang pantao at sa Saligang Batas ang giyera kontra ilegal na droga ng kasalukuyang administrasyon.

Samantala, ikinatuwa ng Commission on Human Rights (CHR) ang binagong diskarte sa kampanya laban sa ilegal na droga subalit hiniling ng ahensya sa mga awtoridad na tiyakin pa rin na hindi dapat sapilitan ang pagpapa-rehab sa mga nalulong sa droga.(Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on