WebClick Tracer

SPORTS

Street Smart nagpa-wow sa Philracom Rating Based

Pasiklab ng tikas si Street Smart para manalo sa Philippine Racing Commission Rating Based Handicapping System Linggo ng hapon sa Metro Manila Turf Club Inc. sa Malvar/Tanauan, Batangas.

Kinabayo ni jockey Rico Suson, tumiyempo siya ng 1:26.8 sa 1,400 meter race upang ibulsa ng winning horse owner ang premyong P150K.

Sumegundo si Moves Like Jagger na humamig ng P50K, tumersero si Smiling Lady na sumikwat ng P25K habang pumang-apat si Central Bank na sumungkit ng P12,500 sa event na suportado ng Philracom sa pamumuno ni chairman Aurelio De Leon.

Tumanggap din ang trainer ng pumrimerang kabayo ng P12K, P4,500 sa pangalawa at P2,500 ang pangatlo. (Elech Dawa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on