WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Turista nabaril sa noo ni patrolman

Patay ang isang lolo nang aksidenteng mabaril ng isang pulis sa Maragusan, Davao de Oro, noong Huwebes ng gabi.

Agad namang naaresto ang suspek na si Patrolman Ryan Domenise, nakatalaga sa karatig na bayan ng New Bataan, nang aksidente nitong mabaril at mapatay ang biktimang si Cerbando Hinayon, 58, sa Maragusan Sports Complex.

Batay sa imbestigasyon ni Pat. Cris John Regidor, ng Maragusan MPS, bagamat off duty na si Pat. Domenise, ay nagtungo ito sa mga tindahan at tiangge sa sports complex.

Subalit nang ilapag umano ng pulis ang kanyang baril sa mesa ay aksidente itong pumutok at tinamaan ang biktima sa noo na napadaan lang sa lugar.

“Pumutok ang kanyang baril at tumagos sa kurtina ng tindahan at tumama kay Cerbando,” ayon kay Patrolman Regidor.

Naisugod pa sa Davao de Oro Provincial Hospital – Maragusan ang biktima pero idineklara na itong dead on arrival.

Nabatid na nakadestino sa karatig-bayan ng New Bataan si Pat. Domenise habang bumisita lang sa bayan si Hinayon para sa selebrasyon ng Araw ng Maragusan.

Kinasuhan na ang pulis ng reckless imprudence resulting in homicide. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on