WebClick Tracer

METRO

24K sangkot sa droga kinalawit

MAHIGIT 24K na drug personalities na ang naaresto sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung saan patuloy ang drug raids at pagdakip sa mga sangkot sa droga.

Sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayon na magpapatuloy ang mga operasyon laban sa iligal na droga at pagdakip sa mga indibidwal na sangkot dito sa ilalim ng bagong multi-sektoral na programang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan o BIDA.

Ayon pa kay DILG Secretary Benjamin “Benhur” C. Abalos, Jr., tuloy-tuloy ang isasagawang mga drug raid at operasyon ng kapulisan at iba pang drug enforcement units sa ilalim ng BIDA program bukod pa sa pagbibigay pokus sa demand reduction at rehabilitasyon ng mga drug users.

Sinabi rin niya na inaasahan din ng pamahalaan ang suporta ng publiko at ng lahat ng sektor ng lipunan sa kampanyang ito sa pamamagitan ng pag-report sa mga otoridad hinggil sa kahina-hinalang aktibidad sa kanilang lugar

Binigyang-diin niya na hindi lang dapat ang pulisya ang kumikilos kundi pati ang mga mamamayan sa kampanya laban sa droga. (Kiko Cueto/Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on