WebClick Tracer

NEWS

Agency damay sa kriminal na kasambahay

Inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na magbibigay ng mas mabigat na responsibilidad at pananagutan sa mga private employment agency (PEA) ng mga kasambahay na gagawa ng krimen laban sa kanilang pinapasukan.

Ang House Bill 4477 na mag-aamyenda sa Kasambahay Law o Republic Act 10361 ay nakatanggap ng 246 pabor na boto sa sesyon ng plenaryo nitong Lunes, Nobyembre 28. Walang tumutol sa pagpasa nito.

Sa ilalim ng panukala, ang mga PEA ay kasama sa papanagutin kung mayroong gagawing krimen ang kasambahay sa kanyang pinapasukan sa loob ng isang taon mula sa pagsisimula nito sa trabaho.

Ang PEA ay inaatasan din na masusing silipin angbackground ng pumapasok na kasambahay at hihingian ito ng mga kaukulang dokumento upang matukoy ang kanyang pagkakakilanlan at tinitirahan.

Layunin ng panukala na proteksyunan ang mga employer laban sa mga kasambahay na ang pakay ay gumawa ng krimen katulad ng pagnanakaw. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on