WebClick Tracer

NEWS

Agri nabulaga sa P300 per kilong sibuyas

Sumirit na hanggang P300 kada kilo ang presyo ng sibuyas sa mga pamilihan.

Ito ang inihayag sa Laging Handa public briefing ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Kristine Evangelista batay sa kanilang monitoring sa mga palengke.

Ayon kay Evangelista, aalamin nila sa Bureau of Plant Industry (BPI) kung ano ang sitwasyon sa suplay at ang dahilan kung bakit tumaas ng todo ang presyo ng sibuyas.

“Sa ating pagmo-monitor po sa mga palengke, nakita po natin iyong pag-spike ng presyo ng pulang sibuyas. Tama po kayo, may 280. Mayroon pa nga po kaming nakitang 300. Kaya ngayon po, kami ay nakikipag-ugnayan sa Bureau of Plant Industry para makita natin ang supply situation para malaman natin kung anong kadahilanan ng pag-spike ng presyo,” ani Evangelista.

Umaasa naman umano ang DA sa nalalapit na anihan ng sibuyas pagdating ng Disyembre na maaaring makatulong para bumaba ang presyo nito.

“Base po sa aming mga nakausap na mga onion farmers, sabi po nila ay mayroon po silang harvest ng Disyembre. Iyong iba po ang sabi, second week of December. May iba po nagsabi na last week of December. So ngayon po ay tinitingnan natin kung gaano kalaki ang kanilang volume na iha-harvest dahil ito po ay makakatulong sa pagdagdag ng ating supply. At alam naman po natin na kapag nadagdagan ang ating supply, iyan din po ay makakatulong sa pagbaba ng presyo at sa price stability more than anything po,” ani Evangelista.

Ang ginagawa aniya ngayon ng DA ay ang pagbubukas ng mga Kadiwa Center na magbebenta ng mas murang presyo ng sibuyas na P170 per kilo. (Aileen Taliping)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on