WebClick Tracer

SPORTS

Alyssa Valdez, Yeliz Basa isasalba Cool Smashers

STANDING
TEAM W L
Cignal 2 0
Creamline 1 1
Petro Gazz 1 1
Chery Tiggo 0 2

Mga laro ngayon (Philsports Arena, Pasig)
2:30 pm – Cignal vs Petro Gazz
5:30 pm – Creamline vs Chery Tiggo

Isasalba nina Alyssa Valdez at Yeliz Basa ang namemeligrong kampanya ng Creamline pagsagupa kontra sa napatalsik na sa Finals Chery Tiggo sa huling araw ng 5th Premier Volleyball League 2022 Reinforced Conference single round semifinals ngayong Martes sa Philsports Arena sa Pasig.

Puwersadong manalo ang katabla sa segundang Cool Smashers (1-1) sa alas-5:30 ng hapong duwelo kontra sa nasa ilalim na Crossovers (0-2) upang makaiwas sa anumang komplikasyon sakaling magkaroon ng triple tie na posiibleng maganap base sa magiging resulta ng salpukang lider na Cignal (2-0) at defending champion Petro Gazz (1-1) sa 2:30 ng hapon.

Maseselyuhan ang Finals showdown kung magwawagi ang HD Spikers at Creamline sa kanilang mga laban. Pero kung manalo ang Angels at Cool Smasher magka-three-way tie sa 2-1 karta. At ang Cignal ang makakaharbat ng unang silya sa Finals dahil sa anim na puntos na nakuha ng No. 4 elims team sa mga panalo sa No. 2 Chery at elims topnotcher Creamline.

May tigatlong puntos ang Creamline at Petro Gazz.

Ang tatlo o apat na set na panalo ng Angels at ang tagumpay ng Cool Smashers, sa tatlo o apat na set, ang magtatali sa kanila sa kapwa anim na puntos.

Kaya naman inaasahang ibubuhos nina Basa at Valdez kasangga sina Julia Melissa ‘Jia’ De Guzman, Jessica Margarett ‘Jema’ Galanza, Celine Domingo at Diana Mae ‘Tots’ Carlos upang mkaiwas talsik at magpaalam sa asintang Grand Slam. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on