WebClick Tracer

METRO

Angkas tumilapon, dedo

NASAWI ang angkas ng motorsiklo nang bumangga ang sinasakyan sa poste ng Meralco at nahulog sa semento sa Imus City, Cavite Linggo ng umaga.

Isinugod pa sa ospital ng Imus ang biktimang si Von Aries Lozada y Dela Pena, 36, subalit idineklarang dead on arrival dahil sa malalang sugat sa katawan.

Sa ulat, alas-nuwebe kamakalawa ng umaga nang maganap ang insidente sa Brgy Medicion 2F, Imus City, Cavite.

Minamaneho ni Greg Sangiao ang kanyang motorsiklong Honda Beat at angkas nito si Lozada nang pagsapit sa pinangyarihan ng insidente ay aksidente silang bumangga sa poste ng Meralco.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang angkas nito na si Lozada at tumama ang katawan sa sementadong bahagi ng kalsada na siya niyang ikinasawi. (Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on