WebClick Tracer

METRO

Binata sinapak na niratrat pa, dalagita damay

Dead on the spot ang isang lalaki habang sugatan ang kapitbahay na dalagita sa naganap na pamamaril sa Quezon City, Linggo ng gabi.

Ang biktima ay si Orlando Cominguez, 49, walang asawa, taga-Brgy. Bahay Toro, Project 8. Sugatan naman si Janna Nicole Masinop Mallilin, 15, Grade 9 student, ng Brgy. Bahay Toro, Project 8, QC.

Agad namang tumakas ang suspek na si Richmond Mallari Dalisay, 24, taga-Brgy. Baesa, QC.

Sa report ng Quezon City Police District Project 6 Police Station 15, alas-9:15 ng gabi nang maganap ang insidente ‘di kalayuan sa tahanan ng biktimang si Cominguez.
Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg Alvin Bolastig, naglalakad umano ang biktima pauwi ng bahay

habang ang suspek ay nakaupo naman sa bangketa.
Nang malapit na si Cominguez ay biglang sinuntok ang biktima dahilan upang bumagsak ito.

Bumunot pa ng baril ang suspek at malapitang pinagbabaril si Cominguez na ikinamatay nito.

Tinamaan naman sa kanang binti ng ligaw na bala si Mallilin na nakaupo malapit sa crime scene.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaril habang patuloy na tinutugis ang salarin. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on