WebClick Tracer

NEWS

Dengue pumalo kaso sa 190%, natodas dumoble – DOH

Pumalo na sa 196,728 kaso ng dengue ang naitala sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Nobyembre 5 ngayong taon.

Ayon sa datos mula sa Department of Health (DOH), 191 porsiyento itong mas mataas kumpara sa mga naitalang kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Naitala lamang sa 67,537 ang mga kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Nobyembre 5, 2021.

Samantala, dumoble naman ang bilang ng mga namatay sa dengue ngayong taon sa 642 mula sa 247 noong 2021.

Nagmula sa Central Visayas ang pinakamaraming nasawi dahil sa dengue na umabot sa 98 katao, sumunod ang Central Luzon at Western Visayas sa 83, at National Capital Region sa 50.

Pinakamarami namang nagkasakit dahil sa dengue ngayong taon sa Central Luzon na nakapagtala ng 38,640 kaso.(Issa Santiago)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on