WebClick Tracer

NEWS

Department of Water Resources pinoporma na

Isang technical working group ang binuo ng House committees on government reorganization at public works para balangkasin ang panukalang pagtatayo ng Department of Water Resources (DWR).

Mahigit sa 30 panukala ang inihain ngayong 19th Congress na naglalayong itayo ang departamento na titiyak sa maayos at maaasahang suplay ng tubig sa bansa.

Ang panukalang water department ang magsisilbing pangunahing ahensya na responsable sa paggawa ng polisiya, maglalatag ng koordinasyon, at mangangasiwa sa suplay ng tubig.

Kasama rin sa mga panukala ang pagkakaroon ng water regulatory commission na magbabantay sa water at sanitation services sa buong bansa.

Mayroong mga katulad na panukala na inihain sa nakalipas na Kongreso subalit hindi ito naipasa. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on